Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carnapper nahulihan ng shabu

0 65

Naaresto ng mga awtoridad ang isang carnapper sa Candelaria, Quezon noong Miyerkoles kung saan bukod sa nakaw na kotse ay nakarekober pa umano ang mga pulis ng isang sachet ng shabu.

Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si John Michael Solis, 24 taong gulang.

Ni-raid umano ng pulisya ang tahanan ni Solis sa Brgy. Malabanban Norte dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi, kung saan nila narekober ang Toyota Vios 2021 na ninakaw umano ng suspek sa San Pablo City, Laguna noong Setyembre 23.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngunit sa gitna ng paghalughog sa bahay ng suspek ay nadiskubre pa umano ng mga pulis ang isang sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10,200.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso si Solis. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.