Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caroling puwede pero may age limit

0 405

Papayagan ang caroling sa Disyembre subalit hindi maaaring sumama rito ang mga bata o menor de edad.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairperson ng Metro Manila Council (MMC), maaari lamang mangaroling ang mula sa edad na 18 hanggang 65 at hindi lalampas sa 10 katao ang bawat grupo.

Gayundin, hanggang alas-12:00 ng hatinggabi lamang puwedeng mag-caroling.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinikayat din ng mga alkalde sa Metro Manila ang mga pribadong kompanya na magsagawa na lamang ng virtual Christmas party.

Tungkol naman sa mga reunion, sinabi ni Olivarez na kung nais magkita-kita ang sinoman pagdating ng holiday season ay hindi dapat lumagpas sa 10 katao ang puwedeng magtipon-tipon.

Base umano ito sa naging desisyon ng MMC. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.