Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carpio, Hilbay, Jardeleza inawat sa bangayan

0 92

Pumagitna na si Senador Lelia De Lima sa alitan nina retired Associate Justice Antonio Carpio at ng mga dating Solicitor General na sina Florin Hilbay at Francis Jardeleza patungkol sa mga kaganapan sa arbitration case na isinampa ng bansa kontra China noong 2013.

Para kay De Lima, ano man ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ay parehas naman silang nag-ambag upang magwagi ang Pilipinas sa arbitration case.

Ayon pa sa senadora, ‘a win is a win.’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag ng senador, imbes na magpalitan ng akusasyon, dapat ay maging “proud” na lamang sila sa kanilang naiambag upang magtagumpay sa naturang kaso.

“Gentlemen, instead of this belated expression of difference in opinions and accounts made irrelevant by our singular and historic victory in the case against China, you should all just take a bow for the great service you have given selflessly to a grateful nation. PNoy could not thank all of you enough. We all could not thank all of you enough,” ayon pa kay De Lima. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.