Abante Tonite Interactive

Carroll, D’Angelo niligtas ang Nets

181

Sinalba ni DeMarre Carroll ang Brooklyn Nets, sinamantala ni D’Angelo Russell ang extra session para ipre­serba ang kabayanihan ng kakampi.

Nilista ni Russell ang 14 sa kanyang 36 points sa third overtime pagkatapos itabla ng despe­ration 3-pointer ni Carroll sa second OT, at naligtasan ng Nets ang Cleveland Cavaliers 148-139 Miyerkoles ng gabi.

Hindi para kay Carroll ang play sa dulo ng second OT, pero naroon siya.

“It was for Joe (Harris) or Allen (Crabbe),” aniya. “It was a broken play. I saw an opening and I took it.”

Mukhang ikakahon na ng Cleveland ang panalo nang pumasok ang go-ahead jumper ni Jordan Clarkson sa final minute, dinagdagan niya pa ng dala­wang free throws tungo sa 128-125 lead.

Na-double team agad si Carroll pagtanggap niya ng inbounds pass mula sa timeout. Nag-dribble siya pakaliwa at binitawan ang tira. Bagsak sa floor si Carroll, dinamba ng teammates na nagsuguran mula sa bench.

May 2 points lang si Russell sa first half, nilista ang first 11 points ng Brooklyn sa third OT kasama ang dalawang 3s.

Umiskor ng 25 si Harris, may 18 si Carroll sa larong kinakitaan ng 23 lead changes.

Tumapos ng career-high 42 points para sa Cavs si Clarkson sa loob ng career-high 47 mi­nutes, 16 of 34 sa field at 7 for 17 sa 3s. Nag-ambag ng 24 points si Collin Sexton, may 23 si Marquese Chriss sa Cleveland.

Binasag ng dala­wang free throws ni Russell ang 116-116 count 16 seconds pa sa first OT, pero ibinuhol ng drive ni Sexton 2.8 ticks pa.