Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Carrot Man palaban kay Ivana

0 244

NI: ARCHIE LIAO

Nakilala si JeyRick Sigmaton bilang social media sensation bilang Mr. Carrot Man.

Dahil sa kanyang katutubong tikas,naging daan ito para makilala siya bilang model.

Ito rin ang naging pasaporte niya para makapasok siya sa larangan ng pag-arte sa showbiz.

Gayunpaman, kahit masasabing glamoroso ang buhay ng isang artista, may mga bagay raw na gustong panatilihin ni JeyRick sa sarili tulad ng pagiging simple.

Dagdag pa niya, bet din niyang makagawa ng action film.

SM food to go Banner Ad

Aminado rin siyang pantasya niya ang sexy vlogger at actress na si Ivana Alawi .
Kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho ito.

Handa rin daw siyang makipagsabayan sa kaseksihan ni Ivana kung hinihingi ng pagkakataon.

Tungkol naman sa paggawa ng BL movie o series, aniya, tila hindi pa raw siya handa sa ganitong klaseng pelikula.

Si Jeyrick ang isa sa mga bida sa narrative short film na Dayas na idinirihe ng Cordilleran filmmaker na si Jennylyn Delos Santos o Direk JianLin under her Sine Cordillera at Be Unrivaled Productions. Si direk Peter Mariano as co-director.

Naging finalist ang Dayas sa 2021 International Film Festival Manhattan sa New York City, USA . Nagwagi naman si Jeyrick bilang best actor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.