Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cartimar Market nasunog

0 877

Naabo sa sunog ang isang bahagi ng Car­timar Market sa Luna St., Pasay City kamaka­lawa ng gabi.

Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng Xiong Hua building.

Umakyat sa unang alarma ang sunog da­kong alas-7:15 ng gabi nitong Linggo, Hunyo 20, at matapos lamang ang anim na minuto ay umabot agad sa ikala­wang alarma.

SM food to go Banner Ad

Sa laki ng sunog ay kinailangang isara ang ilang parte ng Taft Avenue sa paligid ng gusali para magkaroon ng espasyo ang mga rumespondeng bombero.

Idineklara ng Bu­reau of Fire Protection-Pasay na under control ang sunog alas-8:30 ng gabi at tuluyan na­mang naapula pasado alas-9:00 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog, bagama’t inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng mga natupok ng apoy.

Kasabay nito ay ini­imbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.