Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casares hahabol sa Tokyo Games

0 188

Asam ng Filipino-Spanish triathlete at 2019 SEA Games gold medallist na si Fernando Jose Casares na maabot ang pinakaultimong torneo para sa pinakamahuhusay na atleta sa buong mundo sa pagrerepresenta nito sa Pilipinas.

“My ultimate goal is to get qualified for the Summer Olympic Games, if it’s not this year I would totally understand. I would like to thank the PSC, POC, TRAP, my coaches, and my whole squad. Thank you very much for all your support,” pahayag ng isinilang sa Madrid na si Casares sa #PSCHour kamakailan.

“But I would like to attempt in the next Olympic Games in Paris, France,” sabi pa ng 23-anyos na si Casares na ang ina ay mula sa Bulacan.

Si Casares ay kasama sa tatlong national triathletes na nakatakdang sumabak sa Asian Championships na gagawin Abril 24-25 sa Hatsukaichi, Japan. Ang karera ay magsisilbing Olympic qualifying event para sa Tokyo Games na nakataya ang isang tiket kada gender. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.