Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cascolan bagong PNP chief

0 80

May bago ng hepe ang Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni Police Lieutenant General Camilo Cascolan.

Kinumpirma mismo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na itinalaga ng Pangulo si Cascolan bilang bagong PNP Chief kapalit ng magreretirong si General Archie Gamboa.

“Yes, he is appointed as the New Chief PNP effective September 2, 2020. We welcome and respect the decision of PRRD. Gen. Cascolan is very qualified for the job,” ani Año.

Inaprubahan na at napirmahan na aniya ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Cascolan.

Sa inilabas na statement ni Presidential Spokesman Harry Roque ngayong gabi, kinumpirma niya ang appointment ni Cascolan bilang bagong hepe ng PNP epektibo ngayong September 2, 2020. (Aileen Taliping/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.