Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cascolan pinagtanggol MPD sa libing ni Baby River

0 196

Pinagtanggol ni Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Camilo Cascolan ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil ginagawa lang umano nila ang kanilang trabaho sa libing ni Baby River, ang 3-buwang gulang na anak ni detained activist Reina Mae Nasino.

Matatandaang ang libing ng sanggol noong Biyernes ay naging kontrobersyal at umani ng mga negatibong reaksyon dahil sa dami ng nakabantay na pulis sa libing at hindi pagpayag kay Nasino sa pagyakap sa kabaong ng anak dahil ito ay nakaposas.

“Well situations are different from each other. Alam niyo po ang pulis natin magreresponde lang naman ‘yan depende sa sitwasyon,” pahayag ni Cascolan sa isang ambush interview.

“Gusto po nating mapaigting ang ating ginagawang mga activity para maprevent po natin ang kriminalidad. Ginagawa lang po ng pulis ang kanilang trabaho,” dagdag pa ng opisyal. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.