Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cascolan sa 1-linggong ultimatum sa droga: Kaya yan!

0 268

KAYANG-kaya!

Ito ang tugon ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Camilo Cascolan sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dispatsahin o sirain na ang mga nakukuhang mga droga ng mga pulis sa loob lamang ng isang linggo.

“Must be… kaya ‘yan,” sinabi Cascolan sa isang panayam.

Nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na dapat ay masira na ang lahat ng mga nakukumpiskang shabu sa loob ng isang linggo. Itoy para maiwasan ang pagrerecycle nito.

Pero paliwanag ni PNP spokesman Police Colonel Ysmael Yu, may proseso silang susundin.

“Everybody in the enforcement kung saka-sakali. Pero inaano natin ‘yan dahil baka may mga ebidensiya na nasa korte na, ‘yung korte din baka naatasan na niya. Specimen lang ang hinihingi niya ‘di ba?” saad din ni Yu sa isang panayam.

“That includes from the investigation, prosecution and the court, ‘yun ‘yon. So procedure, yun ang gusto ni Presidente,” dagdag ni Yu. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.