Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cash ayuda tuloy kahit MECQ na

0 234

Inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tuloy pa rin ang distribusyon ng P22.9 bilyong ayuda sa NCR Plus area kahit pa umiiral na ang modified enhanced community quarantine (MECQ).

SM food to go Banner Ad

Nilinaw ito ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya kasunod ng mga lumabas na fake news, “Though more people are now back to work, the ayuda is a commitment of government and will continue to be distributed despite the change in quarantine classification.”

Kaugnay nito, sinabi rin ng opisyal na sa kabuuan aniya ay nasa P1.757 bilyong ayuda fund na ang naipamahagi hanggang nitong kamakalawa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.