Abante Tonite Interactive

Cashier ng DTI may 10 arrest warrant

212

Naglabas ng 10 warrant of arrest ang Regional Trial Court ng Makati City Branch 59 para maaresto ang dating cashier ng Department of Trade and Industry (DTI) na si Noel G. Reyes.

Ayon sa DTI, inisyu ang warrant dahil sa 87 kasong criminal na hinaharap ni Reyes matapos mameke ng mga dokumento at mangupit ng mga bayad ng mga kliyente ng DTI sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pekeng resibo.

Ayon sa DTI, tsinugi na si Reyes sa tanggapan at lahat ng mga transaksyon niya sa ngalan ng DTI ay hindi na kikilalanin ng kagawaran.

Nabisto ang anomalya nito matapos magsagawa ng audit.

Para sa mga may impormasyon tungkol kay Reyes, nananawagan ang DTI na ipagbigay-alam ito sa 02-7791-3303. (Eileen Mencias)