Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cashless toll payment system handa na nga ba?

0 128

Noong Agosto naglabas ng direktiba ang Department of Transportation (DOTr) na nag-aatas sa lahat ng toll operators na magpatupad ng cashless toll payment system bago Mag-Nobyembre 2.

Layunin daw nito na mabawasan ang posibilidad na magkaroong COVID-19 transmission sa kanilang mga teller. Ito’y kasunod nang ulat na may ilang staff ng NLEX na nag-positive sa virus kaya kinulang na tao sa toll plaza.

Kung tutuusin, napakaikli ng panahon [apat na buwan lamang] para sa pagkakabit ng Radio Frequency Identification (RFID) stickers dahil sa Nobyembre 2 na nga ito ipapatupad.

Kaya naman nagkaukumahog ang dalawang toll operators na makaabot sa deadline at gayundin ang mga motorista na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakabit ng mga RFID stickers.

Ang Metro Pacific Tolways Corp. (MPTC) ang ang nagpapatakbo sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Link, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Ang SMC naman ang namamahala sa South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX), Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), at Star Tollways.

Ang tanong, handa na nga ba para sa full implementation ang dalawang toll operators para sa cashless toll payments system? Sa tingin at sa tingin ng iba, hindi pa.

Ang pangkaraniwang reklamo kasi ng motorist ay kung saan sila kukuha ng RIFD stickers. Meron nga silang installation centers sa expressway pero limitado lamang kung saan lugar kaya kailangan pang puntahan ng motorist ang designated installation center kung saan puwede silang magkapakabit nito. Ang nangyari, napapalayo pa sila.

Dahil kulang ang installation center maging ang mga personnel na magkakabit ng stickers, humahaba ang pila kaya natatagalan din ang pagkakabit ng RFID sa mga sasakyan.

May mga nakarating ngang reklamo sa tanggapan ni Sen. Bong Revilla, chairman ng Senate public services committee hinggil magulong sistema sa pagkuha ng RFID stickers.

Sabi ni Revilla, konti na nga lang daw ang installation center madalas pa umanong nauubusan ng stickers may mga lugar na inaabot ng sampung oras ang pumipila bago makakuha ng RFID.

Para maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao sa installation centers, sana dinamihan na ang mga stickers at magdagdag na rin ng tao para mabilis ang pagkabit ng mga sticker sa mga sasakyan. Tutal malapit na ng deadline bakit hindi nila tinod-todo ang paghahanda.

May report nga na palpak din ang mga strickers dahil sa halip na mapabilis na makalabas ang sasakyan sa toll, nagtatagal pa ito dahil agad magbuaks ang barrier dahil hindi nababasa ng RFID.

Ang nagyari ngayon, kung dati rati sa cash lanes mabagal, aba’y nalipat na ito sa RFID lanes. Nagkabaligtad na. Dapat ma-address ito ng mga toll operators dahil perwisyo ang dulot nito sa mga motorista na maaring pang magdulot pa ng aksidente sa kanila.

Siyempre responsibildad ng mga tollway operators ang aberyang idudulot na kakulangan nila sa kahandaan sa cashless toll payment system na ito.

Dahil maraming pang motorista na walang RFID stickers, sana lahat ng toll gates ay maglagay ng installation centers.

Hindi lang yan, dapat magbigay din sila ng pamphlets na naglalaman ng listahan ng mga loading station, hindi iyong sa ilang gasoline station lang sa mga expressways ito matatagpuan.

Panghuli, mas mainam ipagpaliban muna ang full implementation nito sa Nobyembre 2 dahil halatang hindi pa sila handa para dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.