Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casimero bawal matalo

0 100

KUNG gusto ni John Riel Casimero ng mas malalaking laban na may kasamang milyones na premyo, dapat siyang manalo ngayong araw sa kanyang title defense fight kontra undefeated Duke Micah ng Ghana sa Mohegan Sun Hotel and Casino sa Connecticut.

“He is in must-win situation. Kapag sumablay si John Riel dito baka mapurnada ‘yung hinahanap niyang big fights na kailangan niya to bolster his resume as an international fighter,” sabi ng boxing expert na si Nissi Icasiano.

SM food to go Banner Ad

“Ang dapat isipin dito ni John Riel is that this is his audition doon sa potential winner nina Inoue at Jason Moloney because I believe kung maging impressive siya sa laban na ito nandoon pa rin siya sa equation na iyon,” ayon naman sa isa pang boxing analyst na si Dennis Principe.

“So it’s up to him really. I believe Micah is an ideal opponent to regain the opportunity to fight Naoya Inoue.”

Orihinal na isasabak sana si Casimero sa unification bout kontra Japanese champion Naoya Inoue pero napurnada dahil sa coronavirus pandemic. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.