Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casimero game para kay Inoue

0 152

Ngayong hinog at may hang-over pa sa suntukan si World Boxing Organization (WBO) bantamweight title holder John Riel Casimero, wala siyang ibang bukang-bibig kundi makaupakan sa lalong madaling panahon si Japanese Monster Naoya Inoue.

Ayon nitong Lunes sa 30-year-old Ormoc fighter, kahit siya pa mismo ang mag-adjust at pumunta sa bahay ng Hapones gagawin niya makaumbagan lang niya.

Related Posts

“Puwede kahit pa sa bahay nila. Sabi ko nga kahit sa bahay mo, lalabanan kita,” pahayag ni Casimero sa naudlot na laban sa Nippon noong Abril dahil sa pandemic . At kahit handa sa reschedule ang Pinoy dedma lang si Inoue.

Kakademolis lang ni Casimero kay Duke Micah ng Ghana ay pinatutsadahan agad si Inoue na ituloy ang nakanselang pagtutuos. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.