Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casimero isisiwalat ang plano

0 86

Espesyal na panauhin sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero.

Kagagaling niya sa third round technical knockout win kontra kay Duke Micah ng Ghana nitong Sabado, at sasamahan ni Manny Pacquiao Promotions (MPP) president Sean Gibbons upang ilahad ang mga susunod na plano para sa boksingero.

Tatalakayin din sa forum na mga handog ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media, ang unang ‘bubble’ boxing card sa bansa sa Oktubre 7 sa Mandaue City. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.