Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casimero pramis knockout victory

0 92

NANGAKO ng knockout win si John Riel Casimero ng Pilipinas sa laban nito ngayong araw kontra two-division champion Guillermo Rigondeaux ng Cuba para sa WBO bantamweight belt na gaganapin sa Dignity Health Sports Center sa Carson, California.

Ito ay matapos makapasa ang magsasagupa sa main event na sina Rigondeaux at Casimero sa official weigh in kahapon, ang Cuban spitfire ay nagtala ng 117.5 lbs habang ang Filipino slugger ay tumimbang na eksaktong 118 libra.

“We have a fight,” ayon kay Casimero matapos ang ginawang official weigh-in ng (PST) Premier Boxing Champions (PBC) at TGB Promotions para sa block buster fight card na gaganapin Sabado (Linggo sa Piliinas).

Una nang nagkainitan ang two-division world champion na si Rigondeaux at si Casimero habang isinasagawa pa lamang ang weigh-in.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Orihinal na makakasagupa dapat ni Rigondeaux si Casimero subalit napigil matapos maisaayos ang laban na tampok ang all-Filipino unification fight sa pagitan nina Nonito Donaire Jr at Casimero.

Gayunman, ang laban ay nakansela matapos putulin ni Donaire ang laban dahil sa ginawa ni Casimero na isang pre-fight hype na pagwalang respeto kay Rachel Donaire, na asawa ni Nonito.

Dahil dito ay itinakda muli ang Rigondeaux-Casimero title fight.

Inaasahan na sinuman ang mananalo sa laban ay makakasagupa sa unification si Donaire. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.