Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casimero todo ang depensa

0 185

Klinaro ni Marc Yao ng kampo ni World Boxing Organization bantamweight king Johnriel Casimero, na hindi binastos ng huli si World Boxing Council bantam king Nonito Donaire Jr. sa kanilang Instagram live session Martes kasama ang misis, trainer at manager ni Donaire na si Rachel.

Ang paglilinaw ni Yao ay kasunod sa ulat na hindi tinanggap ni Donaire, 38, na maka-sparring ang 31-year-old Ormoc boxer nang nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan sa Amerika ang Boholano.

“He (Casimero) didn’t mean to disrespect you,” giit ni Yao. “He is actually respecting you, you’re a future Hall of Famer at nagagalak siyang makalaban ka. Kinuwento niya lang ‘yong experience niya, that’s the truth champ.”

Tugon din ito ng kinatawan ni Casimero sa balitang inayawan na ni Donaire ang unification bout sa August sa US. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.