Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casimero vs Inoue sa Dec 11

0 81

Matutupad na ang puntirya ni World Boxing Organization bantamweight champion John Riel Casimero na pagsamahin ang tatlong titulo makalipas ihayag na sa Disyembre 11 na ang pakikipagbangasan kay World Boxing Association-International Boxing Federation unified bantam king Naoya Inoue ng Japan.

“So iyun guys, next laban natin, magandang laban ito. Magandang-magandang laban ito. December 11 Naoya Inoue! Let’s go!” sambit ng Pinoy boxer sa You Tube channel niya Lunes.

Bitbit ni Casimero ang 31-4 win-loss record (31 knockouts), samantalang ang Japanese ay may 21-0 (18 by KOs). (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.