Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casimero wow ang pasiklab

0 97

Kakaibang bagsik ang ipinamalas nina reigning World Boxing Organization bantamweight king John Riel Casimero at unbeaten featherweight Mark Magsayo makaraang mamayagpag sa kani-kanilang mga laban nitong Agosto sa USA.

August 15 pumoste ng unanimous decision si Casimero upang madepensahan ang titulo kontra kay Cuban challenger Guillermo Rigondeaux sa Dignity Health Sports Park sa Carson City, California.

SM food to go Banner Ad

Dinurog naman ni Magsayo via 10th round knockout Aug. 22 si Mexican Julio Ceja sa undercard ng Manny Pacquiao-Yordenis Ugas fight sa Las Vegas, Nevada para maging bagong WBO international featherweight champ.

Dahil dito, pinapurihan Huwebes ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang mga boksingero sa pagsama sa monthly achiever at mga naging kandidato rin para sa nalalapit na Annual Awards Night.

Sinamahan nila sina first PH Olympic gold medal winner Hidilyn Diaz, at Olympic silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam, at bronze winner Eumir Felix Marcial, US Women’s Open champion Yuka Saso, national record breaker pole vaulter Ernest John Obiena, French Open doubles girls champion Alex Eala, at iba pa. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.