Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casino resort owner sa illegal gambling gigisahin ng NBI

0 214

Iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga opisyal ng isang realty developer kung saan nahuli ang 73 Chinese national at tatlong Filipino matapos salakayin ng Cagayan Provincial Police Office (CPPO) ang isang resort sa Barangay Rapuli, sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan noong August 4 ng gabi dahil illegal online gambling.

Ayon kay NBI information office Nick Suarez, sa pahayag ni NBI officer-in-charge director Eric Distor iniimbestigahan na ng ahensya ang may-ari ng Villa Saturnina Resort and Hotel (VSRH) sa nasabing barangay at ang management ng OFA Cagayan Realty Developer Corporation para sa illegal na operasyon ng online gambling.

“If evidently found that they are facilitating and operating illicit activities under the guise of a legitimate business and if other circumstances warrant, additional criminal charges will be filed,” pahayag ni Distor.

Matatandaang 73 Chinese national at tatlong Filipino ang dinakip matapos salakayin ng CPPO ang VSRH, isang resort sa Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan sa nasabing lalawigan.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay CPPO director P/Col. Ariel Quilang, ang pagkaaresto ng mga suspek ay bunga ng search warrant ng isang Frank Yu, may-ari ng OFA-Cagayan Estate Developer Corporation (OFA-CEDC) na umanoy may-ari ng online illegal gambling.

Sa inisyal na report, sinabi ng CPPO, isang `reliable source’ ang nagsumbong sa kanila hinggil sa illegal na operasyon ng OFA-CEDC.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit 100 computer desktop at laptop.

Samantala, umabot sa P7.5 million ang inilagak na piyansa ng 75 na Chinese na nahuli sa nasabing raid.

Ayon sa report, ang tatlong Pinoy na nakasama sa mga nahuli na sina Mylene Tuazon, Erwin Digol at Alexis Isaac Ferro ay naglagak ng P90,000 piyansa bawat isa. (Allan Bergonia/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.