Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casio, Teng mabagsik Alaska lusot sa Magnolia

0 68

Mga Laro Ngayon: (AUF Gym/Clark)

4:00pm — Rain or Shine vs NorthPort

6:45pm — Ginebra vs Meralco

HINDI na napigilan ang Alaska Aces na tuluyang makalasap ng unang tagumpay matapos nitong biguin ang Magnolia Hotshots, 87-81, sa ikalawang laro Sabado ng gabi ng 2020 PBA Philippine Cup sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Clark, Pampanga.

Sinandigan ng Aces ang limang sunod na puntos ni Mike DiGregorio tampok ang isang tres sa 54.6 segundo na nagbigay ng 83-79 abante sa Aces bago nito sinelyuhan ang panalo sa dalawa nitong free throw para sa panalo.

Nanguna para sa Aces si Jeron Teng na may 19 puntos, 5 rebounds at 1 assist kasunod ang Best Player ng laban na si Jvee Casio na may 17 puntos, 2 rebounds at 1 assists.

May 10 puntos naman si DiGregorio.

Itinala ng Hotshots ang 11 puntos na abante sa 39-28, may 5:35 minuto sa second quarter mula sa isang tres ni Rome Dela Rosa subalit unti-unting bumalik ang Hotshots upang tapusin ang unang hati na naghahabol lamang sa dalawang puntos, 45-43.

Isang tres ni Casio sa pagsisimula ng laro ang tanging nagbigay ng tatlong puntos na kalamangan sa Aces, 3-0, bago na ito naghabol sa kabuuan ng unang half.

Sa unang laro, nagtulungan sina KG Canaleta at Don Trollano upang bitbitin ang Blackwater Bossing kontra NLEX Road Warriors, 98-88, para sa 2-1 panalo-talo baraha. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.