Abante Tonite Interactive

Casspi dagdag-pilay sa inaalat na Cavs

By
235

Hindi pa natatapos ang problema ng Cleveland sa umpisa ng season, mukhang lumalala pa.

Hawak na ang worst record sa NBA sa 1-10, nalagasan pa ng isang starter ang Cavaliers pagdayo ngayong araw sa Chicago dahil nilistang may back spasm si Omri Casspi at hindi makakalaro.

Nasa injury list din sina forward Kevin Love, point guard George Hill at Sam Dekker na sa umpisa ng season ay isa sa reserves pero umangat sa starting lineup dahil din sa injuries ng iba.

Abante Hiring – IT dep

Nagpalit ng coach ang Cavs, sinipa si Tyronn Lue pagkatapos ng 0-6 start ng unang season na wala si LeBron James.

Inilabas si Osman sa first quarter lang ng talo kontra Oklahoma City noong Miyerkoles.

Bumigat ang trabaho ng bagong coach na si Larry Drew dahil sa injuries.

Pangkaraniwan na sa NBA ang injuries, pero malala sa Cavs.

“When you lose players, people have to step up. With our situation with K-Love out and then Dekker, now George Hill and Cedi, we’re looking at four starters that are out,” ani Drew.

Kailangan na namang i-adjust ni Drew ang kanyang starting lineup. Nauubusan na siya ng opsiyon dahil limitado ang front sa tatatlong forwards lang, malamang pagsabayin na sina Larry Nance Jr. at Tristan Thompson.