Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cassy , Darren magkapamilya na

0 160

NI: ROLDAN CASTRO

Marami ang natuwa na bagong ambassador ng Beautéderm Corporation si Cassy Legaspi. Bahagi na siya ng ever-growing family na ang CEO at President ay si Ma’am Rhea Anicoche Tan.

Suportado si Cassy ng mga fan sa bago niyang endorsement. Magkapamilya na raw sila ngayon ni Darren Espanto sa Beautederm.

“ ‘Yan na,” reaksyon ni Darren.

“Eto naaa,”buwelta naman ni Cassy

Mainit din ang pagtanggap sa kanya ng mga celebrity friends, co- ambassadors gaya nina Marian Rivera, Sanya Lopez, Kakai Bautista atbp.

Ini-endorse ni Cassy ang Facial Care Line. Ang mga nabibilang dito ay ang recently launched na Blanc Plus Sheet Mask at Blanc Plus Mask Serum. Nandiyan din ang Beauté L’ Elixir Skin Set; Beauté L’ Micellaire; Beauté L’ Créme Decollage; C’est Clair Acne Drying Gel; Acne Loin; at La Fraise Gommage Instant White Polish.

Kabilang din ang Caress Hand Sanitizer Spray, Etré Clair Mouth Spray, Glowtion Instant Tan Lotion, Au Revoir Relax and Revive Lotion.

Kinuha siya dahil sa kanyang wholesome image .Malakas din ang hatak niya sa mga bagets sa merkado dahil milyun-milyon ang followers niya sa social media.

“Very welcome addition si Cassy sa Beautéderm and we are thrilled to have her on board,” deklara ni Ma’am Rhea Anicoche-Tan.

Sey naman ni Cassy: “I am happy to partner with Beautéderm at sobra akong in love sa kanilang mga produkto. Gustong gusto ko ang all-natural skin set na Beauté L’ Elixir at part na po ito ng aking daily skin regimen. Aside from being very mild, it smells so great at very effective ito in nourishing and cleansing my skin. I could really feel and see the glow of my skin mula ng ginamit ko itong skin set.”

Ang Beautederm ay nagdiwang ng 12th Anniversary. Itinatag ito noong 2009 at naging lider ng beauty and wellness industry.

Sa ngayon, mahigit sa isang daang mga produkto ang nasa ilalim ng Beautéderm sa mga kategorya ng Make-up and Cosmetics; Haircare; Body Care; Personal Care; Body Sets; Spruce And Dash Collection; Beautéderm Home at Facial Care.

Leave A Reply

Your email address will not be published.