Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cassy, Jayda ‘agawan’ kay Darren

0 136

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang natuwang mga fan nang malamang magkakaroon na pala ng collaboration si Darren Espanto kay Cassy Legaspi.

Isa na kasing certified Youtube vlogger ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Noon pa man kasi, nasabi na ni Darren na willing siyang makipag-collaborate sa dalaga once na pumalo na ang subscribers niya sa kanyang Youtube channel.

Bukod kasi sa kanyang Sunday noontime show sa GMA-7, magkakaroon na rin ng teleserye ang kakambal ni Mavy Legaspi.

Napatunayan din nito na may ibubuga rin pala ito sa pag-awit na kailangan lang i-develop.

Since, nakaarte na rin sa pelikula si Darren, sey nila, bagay na i-launch ang dalawa bilang loveteam.

Sey tuloy ng ilang kibitzers, paano na raw si Jayda, ang anak nina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado? Inili-link siya noon sa young singer at dating Voice Kids finalist kung saan nagkaroon din sila ng collab?

Hirit pa nila, may tulog daw si Jayda kay Cassy na bukod sa pagiging showbiz royalty na tulad nito ay maganda at talentado rin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.