Abante Tonite Interactive

Cassy, Maverick umiyak sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’

344
Bongga ang pagsalubong ng taong 2019 ng morning show na Sarap, ‘Di Ba? Dalawang selebrasyon kasi ang idinaos nila, ang Bagong Taon at ang ika-18 kaa­rawan ng Legaspi twins na sina Cassy at Maverick.
Inimbita rin ni Carmina sa show ang mga bagong kaibigan sa showbiz ng kambal na sina Kyline Alcantara, Migo Adecer at Kate Valdez.
Imbitado ring guest si Mr. E, isang celebrity fortune teller. Isisiwalat sa episode kung ano ang nakahanda sa mundo ng showbiz at politics para sa taong ito.
Naghanda pa si Carmina ng special tables para sa mga guest at audience. Makaka-jamming pa ng mga bagets ang kambal sa pag-awit ng “Nadarang.”
Naging emosyonal at umiyak ang kambal sa sorpresa na nakahanda. Tutukan ito sa episode ng Sarap, ‘Di  Ba? ngayong Sabado, 10:45 am sa GMA 7.
Anyway, bukas, January 6 ang kaarawan ng kambal. Lumabas na sa social media ang pre-debut video nila. (Ronaline Avecilla)