Abante Tonite Interactive

Castelo sa BSP, DTI: Bitcoin scam tutukan

2,435

Pinatututukan ni Quezon City Rep. Wins­ton ‘Winnie’ Castelo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Trade and Industry (DTI) ang mga scam na may kaugna­yan sa Bitcoin.

Ginawa ni Castelo ang paghimok sa dalawang government regulators matapos ang pagkakalansag ng National Bureau of Investigators (NBI) sa isang Bitcoin scam kamakailan.

Ayon kay Castelo, dapat bumalangkas ang BSP at DTI ng mga hakbang laban sa anumang pagtatangka na lokohin ang publiko gamit ang Bitcoin.

Abante Hiring – IT dep

“Since cryptocurrencies are not considered as hard medium of exchange, the trading of these are placed under the scope of money remittance business that offers several loopholes for scammers to exploit,” paliwanag ni Castelo.

“Financial regulators should not waste time to craft comprehensive rules on the trading of virtual currencies including the drafting of a law to regulate,” ani Castelo.

“Protecting consu­mers against falling prey to quick-rich schemes should be the primary goal of measures to tighten the regulation of cryptocurrencies,” dagdag pa ng mambabatas.

At dahil nga hindi pa laganap ang pagtanggap sa virtual currencies at hindi pa ito gaanong kinikilala ng mga bangko bilang lehitimong pera, naniniwala si Castelo na nararapat umaksiyon ang gobyerno upang isulong ang mahigpit na pag-iingat sa paggamit nito.

Sinabi ni Castelo na madaling piliin ang kaligtasan kesa sa isang bagong produkto na may ibinibidang pangako na kinikilala pa lang ng mga piling miyembro ng lipunan.

“Clearly the interest of the majority of consumers should win in this situation,” ani Castelo.