Abante Tonite Interactive

Castro ‘alang paki sa non-travel call niya

122

Walang paki si Jayson Castro kung natulu­ngan man ang TNT ng walang tawag na travelling violation sa kanya sa 80-75 win ng Texters kontra Magnolia sa Philippine Cup elims noong Linggo sa MOA Arena.

Nagipit si The Blur ng mga defender sa ibabaw upang tumalon at ipasa ang bola sa open na si Troy Rosario upang maitabla ang laro sa 72-all sa 1.8 seconds sa regulation.

Sa video replay, buking si Castro sa pagtaas ng kanyang paa bago pa magpasa na automatic violation sana. Pero walang pumitong referee.
“Hindi ko naman trabaho ang tumawag, sa mga reperi na yun,” komento niya.

Si Roger Pogoy naman ang kumayod sa 5-mi­nute extra period para maisahan ng Texters ang Hotshots.