Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Castro balik aksiyon

0 419

Clark Smart Giga City – Nagkaroon ng mas mahabang pahinga si Jayson Castro dahil sa kanselasyon ng TNT game kontra NorthPort noong Lunes.

Hindi itinuloy ang laro dahil kinailangang mag-isolate ang buong Tropang Giga matapos mag-positive sa COVID-19 ang isang Blackwater player.

Dahil nakalaro ng TNT ang Elite noong Huwebes, hindi pinalabas ng kuwarto ang team ni coach Bong Ravena.

Ipinahinga sa Blackwater game si Castro dahil warmup pa lang ay sumasakit na ang kanang binti.

Nakapag-ensayo at pinayagang maglaro ang Tropa nang mag-negative sa confirmatory tests ang taga-Blackwater.

Handa na muling sumalang si Castro, malaking tuloy siya dahil kakailanganin ni Ravena ang lahat ng armas laban sa NLEX sa nightcap mamaya sa Smart 5G-powered AUF gym.

Desperadong maghanap ng panalo ang Road Warriors na isa pa lang ang naipapasa sa anim na asignatura.

Target ng TNT ang pang-anim na sunod na panalo para manatili sa unahan ng pulutong at maniguro na ng puwesto sa quarterfinals. Kapag nanalo ay lalapit pa ang Tropang Giga sa twice-to-beat incentive ng top 4 laban sa lower-ranked teams. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.