Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Castro balik ospital

0 59

Hindi pa tapos ang pakikipagtipan ni Jayson Castro sa doktor.

Tagumpay ang unang knee surgery ni Castro, sasalang muli sa isa pang operasyon sa kabila namang tuhod ang TNT veteran guard.

Lunes tinanggalan ng bone spurs ang isang tuhod ng Tropang Giga star, nakalabas din agad ng ospital dahil out-patient naman.

Magkabilang tuhod ang bumabagabag sa 34-year-old playmaker, pero hindi puwedeng sabay operahan kaya babalik muli siya sa susunod na linggo.

Napigil ang Asia’s premier guard sa kampanya ng Tropang Giga sa PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble dahil sa pananakit ng tuhod.

Ramdam na niya ang sakit pero inilaro pa, may iniinda pero nagawa pang giyahan ang TNT hanggang Finals kotra Ginebra.

Nang hindi na makaya ang kaliwa’t kanang sakit ay napilitang maupo ang The Blur, nasa bench na lang nang kumpletuhin ng Gin Kings ang title-clinching 82-78 win sa Game 5 nitong December. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.