Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Castro, TNT lalapit sa finals

0 103

Semis Game 2 ngayon (AUF gym)
3:45 pm – Meralco vs. Ginebra (Gins lead series 1-0)
6:30 pm – TNT vs. Phoenix (Tropa lead series 1-0)

Smart Clark Giga City – Kokontakin ng TNT ang 2-0 lead laban sa Phoenix sa Game 2 ng semifinals series ng PBA Philippine Cup sa Smart 5G-powered AUF gym mamaya.

Bakbakan ang Tropang Giga at Fuel Masters sa nightcap pagkatapos ng sagupaan ng Ginebra at Meralco sa first game. Tatangkain din ng Gins ang pangalawang panalo.

Anim na minuto lang ang tinagal ni Fil-Canadian gunner Matthew Wright pero napuwersa pa ng Fuel Masters ang one-possession game sa dulo.

Lumabas ang pagkabeterano ni Jayson Castro sa dulo nang mahusay na giyahan ang Tropa para ipreserba ang 95-92 win sa larong tinampukan ng 9 deadlocks at 11 lead changes.

Kalagitnaan ng first, napasama ng bagsak si Wright nang matapakan ang paa ni Troy Rosario. Sa bench na pinanood ng stats leader ang kabuuan ng laro.

Kinamada ni Castro ang 17 sa kanyang 20 points sa second half, 12 dito sa fourth. (Vladi Edaurte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.