Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Castro, Tropa ga-buhok sa finals

0 53

Tinambakan ng TNT ang San Miguel Beer 110-90 sa Game 5 ng PBA Philippine Cup semis sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga Miyerkoles ng gabi.

Abante ang Tropang Giga 3-2, puwede nang isara ang best-of-seven sa Game 6 bukas.

Dumistansiya ang TNT ng 21 sa first quarter, pinabuka sa 61-33 bago ang break at hindi na nakarekober ang Beermen.

Nagsalansan ng tig-17 points sina RR Pogoy at Mikey Williams mula 8 for 16 shooting sa 3-point range combined panahog sa 19 points ni Jayson Castro para sa Tropa.

SM food to go Banner Ad

May pinagsamang 39 points pa sina Troy Rosario, nagbabalik na si Kelly Williams at Poy Erram na naglarong may protective mask para sa fractured cheekbone.

Tumungga ng 23 points at 12 rebounds si June Mar Fajardo sa SMB.

Humaba ang buhay ng Meralco nang kuryentehin ang Magnolia 102-98.

Nagsumite ng career high-tying 7 3-pointers si Allein Maliksi tungo sa 29 points, sumegunda ng career-best 24 points si Nards Pinto na dinagdagan ng 23 ni Chris Newsome at nilapit ng Bolts ang hiwalay na series sa 3-2. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.