Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Castro vs Biscocho sa dekada 80-90

0 224

Si Jose ‘Jun’ V. Castro Jr. ang kinikilalang ng ama ng PH running.

Siya ang dahilan ng running boom sa bansa noong dekada 80 tapos ng bantog niyang Band Aid Family Marathon Clinic noong 1974.

Pero noong 1980 silang dalawa – Castro ng Intergames at Rodolfo ‘Rudy’ Biscocho ng Run And Compete Enterprise o RACE – ang naging mahigpit na magkaribal sa pag-o-organize ng mga marathon at iba pang footraces sa Metro Manila at sa bansa na rin.

Naging race director si Castro ng National MILO Marathon pagkaraa’y ng Pilipinas Third World Marathon na kalauna’y naging Pilipinas International Marathon.

Na kay Biscocho ang Philippine Airlines (hindi pa binebenta ni Pangulong FVR kay Lucio Tan) Manila International Marathon. Hinawakan din niya sa dekada 90 hanggang 2000-plus ang MILO Marathon.

Namayapa na si Jun sa Estados Unidos noong 2015 tapos umalis ng bansa noong 1993.

Nasa Tate rin si Rudy at paminsan-minsan na lang pumaparito para sa ilang piling binabalangkas pa ring mga karera gaya ng Yakult 10-Miler.

Parehong mabuting makisama ang dalawa kaya dinudumog ang kanilang mga patakbo. Ako mismo nakatakbo’t tapos ng NMM, PAL-MIM at PIM bukod pa sa Pasig Marathon at Subukan Full-Marathon sa Quezon City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.