Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Castro vs Biscocho

0 218

(Huling bahagi)

Karugtong na lang po ito mga giliw kong tagasubaybay noong Martes, Hulyo 21.

Natalakay ko po ang karibalan noong mga dekada 80 hanggang 90 nina Jose ‘Jun’ V. Castro Jr. ng Intergames/Intersports (+) at Rodolfo ‘Rudy’ Biscocho ng Run and Compete Enterprise o RACE.

Iyon po ay sa pagiging mga race director nila ng mga patakbo sa ating bansa.

Fast forward po.

Si Castro ang tinaguriang Ama ng Takbuhan sa Pilipinas o Father of PH running dahil sa siya ang founder ng National MILO Marathon na bunga ng Band Air Family Marathon Clinic niya rin.

Naging mainit ang dalawa sa pagtapik sa kanila ng iba’t ibang mga kompanya sa pagpapangasiwa sa kanilang mga patakbo.

Pero may mangilan-ngilan ding lumutang na race directors na mga gumawa rin ng sarili nilang ingay sa panahon ng 1980 hanggang kasalukuyan.

Nariyan sina Tomas ‘Tom’ Carrasco Jr. na isa sa mga nagtatag ng Association of Road Race Organizers (ARRO) at ng Coke-ARRO 10K series, Robert E. Rull ng Scorpio Road Racer Promotions;

Angel Colmenares ng San Miguel Corporation Internal Sports and Physical Fitness, Red Dumuk, marathoner Pablo Cay, Rio dela Cruz, Magdalene Gay Maddela at iba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.