Abante Tonite Interactive

Casugay pinapurihan ni Digong

446

Personal na binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Roger ­Casugay, ang Pilipino surfer champion at bayani ng 30th Southeast Asian Games PH 2019.

Bisita ng Pangulo sa ­Malacañang Palace sa San Miguel, Manila si ­Casugay Martes nang gabi kasama ang ilang atleta at ipinaabot nito ang pagbati at paghanga sa ipinakitang kabayanihan nang sagipin sa gitna ng mga higanteng alon ang kalabang Indonesian surfer na si Arip Nurhidayat sa men’s longboard competition sa La Union sa ­nagdaang Biyernes.

Kasama ni Casugay ang Philippine surfing team sa pagbisita kay PRD.

Nag-viral sa social media si ­Casugay dahil sa halip na ipursige ang kaniyang laban para makuha ang medalyang ginto, mas pinili pang sagipin ang Indon rival na ­naputulan ng tali sa surfboard ­dahilan para mabuwal at muntik lamunin ng naglalakihang alon.

May nauna nang pahayag si Sen. Christopher Lawrence Go na bibigyan ni Pangulong Duterte si Casugay ng Order of Lapu Lapu sa December 18 sa Malacañang din.(Aileen Taliping)