Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casugay pinarangalan ng IFPC

0 257

Kinilala ang kabayanihan ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist at surfing star Roger Casugay nang pagkalooban ng Pierre de Coubertain Act of Fair Play Award ng International Fair Play Committee (IFPC), na pinagalan ang award sa ama ng modernong quadrennial sportsfest.

Mula sa San Juan, La Union at ang 26 na taong gulang na siya pa ring nanalo sa men’s longboard ng SEA Games noong Disyembre sa bansa, siya ang unang Pinoy na tumanggap ng karangalan na sinimulang pinamigay noong 1954.

Pinagpalaki ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at 30th SEAG PH 2019 Chef de Mission William Ramirez ang pagkilala sa kabayanihan ni Casugay nang ipagkaloob ang surf board niya at sinagip ang muntik malunod na Indonesian competitor.

Si International Surfing Association (ISA) Membership and Development Manager Alex Reynolds ang naman nagpaabot ng kaganapan kahapon kay United Philippine Surfing Association (UPSA) president Dr. Jose Raul Canlas. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.