Abante Tonite Interactive

Cat café sa Marikina panalo

260

Hello mga PETmalu!

May natagpuan akong isang cat café na siguradong ­magugustuhan niyo! Ito ang Cats and Crumbs – ­Marikina’s First Cat Cafe sa C&B ­Circle Mall sa Marikina Heights.

Maganda po ang lugar! May ­maliit na ­restaurant para sa mga customer at may ­hiwalay na living area para sa ­sampung resident cats.

‘Rustic simplicity’ po ang tema ng café. Ang menu ay may mga sandwiches, pasta at desserts at ang pinakamahal na order ay P160 lamang. Affordable!

May special coffee din po sila na galing sa Sagada at Kalinga. Ang isang cup ay P80.

Ang regular entrance fee na P199/head ay may kasamang P100 worth of food and drinks at 1 hour play with cats.

Napansin ko na napakalinis at walang amoy ang café. Bago ako pumasok sa ­lugar ng mga pusa, pinag-hugas at pinag-disinfect muna nila ako ng kamay. At dahil banig ang flooring, kinailangang kong tanggalin ang sapatos ko.

Pagpasok ko sa living area ng mga pusa, napakafresh ng atmosphere – ­walang amoy! At napka-cute ng mga puspin nila! Bagkus may pagka-suplado sila (tulad ko, hahaha) ‘pag binigyan mo sila ng laruan o treat, biglang lalapit sila sa inyo at makikipaglaro!

Tuwang-tuwa rin po ako dahil ang ganda ng ­interior design ng living area ng mga pusa – ­marami itong ­estante at kuweba kung saan sila puwedeng ­matulog at magtago. At ­dahil likas sa kanila ang umakyat sa mga matataas na ­lugar, may mga shelves at hanging platforms na kung saan sila ­puwedeng umakyat at tumalon.

Labis pa akong natuwa nung nalaman ko na maaari mong i-reserve ang buong cafe para sa mga private parties at small events na good for 20 to 25 people.

Hindi po ito karaniwang business dahil ayon sa may-ari na si Joyce ­Abesames, ang pangunahing ­layunin ng Cats and Crumbs Café ay bigyan ng second chance ang mga ­pusang kalye. Pangalawa lang para sa kanya ang kumita. ­Lahat ng pusa sa cafe ay mga rescue cats na galing sa ­Philippine ­Animal Welfare Society at maaring i-adopt ng mga customer niya. Pero, sabi ni Joyce, mahigpit sila sa pag-pili ng adoptive family. Sa loob daw ng 3 taon ng kanilang operations, 18 na puspin ang na-adopt na.

Wow, ito na ang business with a heart! Kaya ang aking rating sa Cats and Crumbs Café ay 5 over 5 stars – it’s MEOW-velous!

Sana po ay tangkilikin nating lahat ang Cats and Crumbs Café

Paw-fectly yours,
Joyce