Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catanduanes, Samar signal no. 2 kay `Bising’

0 232

Itinaas ang Signal No. 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar at Samar dahil sa bahagyang pagbilis at paglakas ng bagyong Bising.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Sabado, asahan ang lakas ng hangin na 61 hanggang 120 kph sa loob ng 24-oras sa mga lugar na nasa Signal No. 2.

Samantala, nasa Signal No. 1 ang Sorsogon, Albay, silangan ng Camarines Sur, silangan ng Masbate, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Evacuation ikinasa

Kaugnay nito’y ipinag-utos na ang pre-emptive evacuation sa ilang lugar sa Bicol region at Samar.

Ayon ito sa mga regional council sa ginanap na pre-disaster risk assessment meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ng NDRRMC na inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development ang P182 milyong halaga ng mga food pack sa iba’t ibang bodega sa bansa.

Naka-standby na rin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard. (Issa Santiago/Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.