Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catantan bibida sa world fencing

0 161

Panibagong laban ang susuungan ng isa sa mga pambato sa Philippine Fencing Associatiation Inc. (PFAI) sa katauhan ni Samantha Kyle Catantan.

Sariwa pa sa pagtagpas ng bronze medal at isa sa siyam na naging All-American selection awardee sa 2021 United States National Collegiate Athletic Association Fencing Championships sa Pennsylvania nitong March 25-28, sabak sa 2021 World Junior and Cadet Championships naman ang 19-year-old, Quezon City native sa April 3-11 sa Cairo, Egypt.

Nakatakdang lumaban ang Pennsylvania State University Nittany Lion athletic scholar freshman sa April 6-8 sa women’s foil kung saan world No. 143 siya sa Internatioinal Fencing Federation (FIE) rankings.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kasamahan niyang US NCAA debutant at Pinoy ring si Lawrence ‘Lance’ Tan ang isa pang magiging bet ng ‘Pinas sa Cairo fence fest.

Pagkakampanya sa Egypt, sasama si Catantan kina Jylyn Nicanor, Christian Concepcion, Hanniel Abella, Noelito Jose at Nathaniel Perez sa sa Olympic Qualifying Tournament sa April 15-22 sa Seoul, South Korea. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.