Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catantan sa US eeskrima

0 58

Lumipad na pa-New York City si national fencer Samantha Kyle Catantan matapos tanggapin ang athletic scholarship ng Penn State University Nittany Lions na kumakampanyua sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Sa kanyang vlog na ipinost sa YouTube nitong Linggo, ibinahagi ng 18-anyos na tubong Tondo, Maynila ang kanyang naging karanasan sa pagbyahe sa ibang bansa ngayong may pandemya.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabigyan siya ng athletic scholarship ng PSU para sa US NCAA dahil sa nakakagitlangng performance sa 2019 World Junior Fencing Championship sa Poland.

Nanalo na rin ng gold medal ang dalagang eskrimador sa Bangkok 2019 Asian Under-23 Championships sa women’s individual foil competition at kasapi sa PH squad na nag-gold din sa women’s foil team event ng 2018 Asian U23 din sa Pasig City.

Kumopo rin ang pinagmamalaki ng UE Lady Warriors ng dalawang bronze medal sa PH 2019 Southeast Asian Games at silver sa 2017 Kuala Lumpur SEA Games. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.