Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catantan sinungkit gold

0 539

Dinagdagan ni Samantha Kyle Catantan ang mga natatamong tagumpay tagumpay sa Tate makaraang mag-gold medal sa Penn State Garret Open 2021 Linggo (Manila time) sa University Park, Pennsylvania.

Pinamayagpagan ng Pinay PSU sophomore fencer ang go women’s foil event sa unang araw ng torneo sa pagdispatsa sa 14 na mga karibal laban sa isa lang na talo.

Tampok sa pananalasa ng 19 na taong-gulang, tubong Quezon City na eskrimador, 2019 Southeast Asian Games gold medalist at pambato ng Philippine Fencing Association, ang pagdaig kay Delphin De Vore ng Columbia University sa finals, 13-12.

Pa-finals, pinagtatabig ni Catantan sa Table of 32 sina Mikaela Yhip, Sarah Filby para sa Table of 16, Zander Rhodes para sa Table of 8, at Vivian Zheng sa semifinals ng torneo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.