Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catantan sokpa sa US NCAA : Bata ni Goma pa-wow

0 41

Pasiklab si Pennsylvania State University freshman at Pinay fencer Samantha Kyle Catantan para sa Nittany Lions na nagbaon ng 7-1 win-loss-record sa Temple Invitational Tourney sa kanilang second dual meet sa Philadelphia, Pennsylvania nitong Linggo ng gabi.

Umeskrima ang 19-anyos at pinagmamalaki ng Tondo, Maynila ng 9-0 mark para sa women’s foil events kontra Temple University, University of North Carolina at St. John’s University bago ang 2-1 finish sa huling round kontra Temple.

Sa kabuuan, ayon sa ulat ng PSU, tinapos ng Penn State women’s fencing team ang torneo na may 3-1 slate pa-7-3 overall.

Pasok na ito at maging ang dating player ni Philippine Fencing Association Inc. (PFAI) president Richard ‘Goma’ Gomez na si Catantan sa 2021 US NCAA Fencing Championship sa darating na March 25-28. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.