Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catantan tumusok ng tanso

0 155

Dumale ng medalyang tanso si Samantha Kyle Catantan sa women’s senior foil para bigyang sigla ang kampanya ng Pilipinas sa Asia-Oceanian Olympic Qualification Tournament sa Tashkent, Uzbekistan Linggo ng gabi.

Kabilang ang edad 19 na Pinay fencer sa Philippine Fencing Association Inc. bet na mga naghahabol makapasok para sa inusog sa parating na July 23-August 8 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Tinaob ni Catantan si Hsin Cheng ng Taiwan sa quarterfinals, 10-6 ngunit hindi pinalad sa semifinals kontra kay Yana Alborova ng Uzbekistan, 10-15. Tumapos din siyang fourth sa pool round.

Pumuwestong 10th si Christian Jhester Concepcion sa senior men’s sabre nang tumaob kay Alexander Douglas ng Australia, 9-15 sa Round of 16 at sumablay sa Last Eight. Ika-10 rin siya sa pool. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.