Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catantan tutusok sa Hanoi

0 150

Pangungunahan ni 2021 Pennsylvania US NCAA at Tashkent Asia-Oceania Olympic Qualification Tournament bronze medalist Samatha Kyle Catantan ang national fencing team na planong mag-training sa Korea o sa ‘Pinas para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa darating na November.

Ito ang isiniwalat ni national coach coach Rolando Amat sa online Philippine Sportswriters Association Martes ng umaga na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO Philippines, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung magkakaproblema aniya sa quarantine dahil sa COVID-19, balak ng Philippine Fencing Association Inc. na papuntahin na lang sa bansa ang mga Koreano para maka-training camp ang mga eskrimador na Pinoy. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.