Abante Tonite Interactive

Catriona bet makatambal si Sam

589

Ngayong tapos na ang katungkulan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, papasukin na niya ang mundo ng showbiz. Pumirma ng kontrata ang beauty queen a ilalim ng ABS-CBN Publishing para sa kanyang libro na “Conquering your Universe”.

Sa pagpasok ng taong 2020 ay marami siyang nais subukan. Aniya, “I’ll definitely pursuing my love for music, and hoping to give you all some new music next year.”

Maging ang pag-arte ay susubukan din niyang aralin. Kung mayroon dapat hanapin ay iyong magiging leading man niya. Sa height niya ba naman na 5”10 ay kailangang maging kapantay rin niya ang magiging kapareha kung sakali.

Naitanong din kung willing ba siyang makapareha si Sam Milby. Matatandaan na na-link ang dalawa matapos maispatan na magkasama sa New York.

Ang kanyang tugon, “Well at least I know him from church. So I wouldn’t mind.” (Rona Ronda)