Abante Tonite Interactive

Catriona bet ng mga beki

By
1,196

PABORITO ng mga beki si Catriona Gray sa lahat ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2018. Malakas ang laban niya.

Ano ba ang nakikita nila na magpapanalo kay Catriona?

“Ang kalakasan ni Catriona ay naging Miss World Philippines na siya. Titlera na siya. Nakita na ng mundo kung gaano sya katalino at kaganda. Malakas ang karisma niya sa mga bekimon. Ang kalamangan niya sa ibang kalaban ay may pinatunayan na siya,” bulalas ni Leklek Tumalad of Asia ng bikini world.

“Ang kaseksihan ni Catriona ay nakikita ko sa kanya kapag rumampa na siya sa entablado. Lumulutang na ang ganda at hubog ng katawan niya. Halimaw siya sa stage.

“Parang siyang adobo na paborito ng mga Pilipino at mga dayuhan .

“Para rin siyang sabaw na kahit sobrang init pipilitin mong higupin dahil sa sobrang sarap. Wala kang ititira. Said talaga,” pagsasalarawan pa ni Leklek sabay tawa.

Sey naman ni Meg Perez ng Megamodels at National Director ng Mister Grand Philippines 2018 kay Catriona “Full and complete package. Beautiful, tall, sexy and very intellegent. Very queenly.”

Ayon naman sa Club 690 Queen na si Genesis Gallios ‘Smart and beautiful’.

Catriona Gray! Total package — beauty, brains, body, and magic!

Lahad naman ng maga­ling na make-up artist na si Lulu Pineda.

“Nu’ng sumali sya sa Miss World 2016 bet na bet siyang manalo ng ating kababayan at mga kabaklaan dahil nasa sa kanya na ang lahat, ganda ng mukha, hubog ng katawan at talino… pero sa kasamaang palad hindi n’ya nakuha ang korona. Madaming nalokang bakla.. kaya eto patuloy siyang lumalaban para makamit ang koronang minimithi nya… pero ang tanong, sa kanya kaya mapupunta ang isang title sa Binibini o sadyang hindi nakatadhana para sa kanya? Abangan natin sa March 18, 2018…hahahahaha.. ganern.” Tsuk!

Bianca Umali pinaiyak

HINDI isang ordinar­yong cake at pagkanta ng happy birthday ang ibinigay ng buong cast ng Kambal, Karibal sa lead star nito na si Bianca Umali.

Nagse-celebrate siya ng 18th birthday nu’ng March 2. Full force kasi sila kasama ang buong production team na nagbigay ng isang surprise birthday party sa dalaga para sa pagsalubong ng kanyang kaarawan.

Balita namin mayroon pa itong pa-18 roses kung saan ang leading man at ka-love team niyang si Miguel Tanfelix ang last dance niya. Ilan din sa nakasayaw ng Kapuso actress ay si Jeric Gonzales at ang direktor ng programa na si Don Michael Perez.

Naging emosyonal si Bianca nang pumasok sa venue sa pag-aakalang isa lang ito sa mga eksena nilang kukunan. Iba rin naman um-effort ang Kambal, Karibal team.

Kristoffer pinuputakti ng mga basher dahil kay Alden

HINDI naapektuhan ang friendship nina Alden Richards at Kristoffer Martin kahit pinuputakti ng mga bashers ang huli. ‘Yung ilang pasaway na AlDub fans ay inaaway talaga ang sinumang malapit kay Alden, pati na rin kay Maine.
Kahit simpleng bagay na tweet ni Martin, binibigyan nila ng kulay at ikinokonek sa AlDub.

Si Alden na ang nagso-sorry sa mga kaibigan niya ‘pag nabibiktima ng ngitngit ng ilang negang fans . Sila na rin ang nag-a-adjust para tahimik na lang.

‘Pag may lakad tuloy silang magbabarkada hindi na sila nagpo-post para walang masabi ang mga bashers hindi na pagsi­mulan pa ng isyu at intriga.

Pero nasanay na raw sila sa situwasyon kahit mahirap na maging malaya ang nabuo nilang friendship.
Ito ang kuwento ni Kristoffer nang makatsikahan ng press para sa bago niyang single na “Paulit-Ulit” under GMA Records

Ang naturang kanta ay theme song ng Korean series na Fight For My Way na napapanood ngayon sa Kapuso network.