Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona bineybi ni Sam

0 138

Sa isang panayam sa Sakto Teleradyo, ibinahagi ni 2018 Ms.Universe Catriona Gray ang mga katangiang hinahangaan niya sa boyfriend na si Sam Milby.

Ani Cat, sobra raw maalalahanin at mapagmahal ng kanyang boyfie.

Kahit daw busy ito, talagang gumagawa raw ito ng paraan para iparamdam sa kanya kung gaano siya kaimportante sa buhay nito.

Naa-appreciate rin daw niya ang pagiging family-oriented nito at pagkakaroon ng magandang relasyon sa kanyang pamilya.

Dahil dito, nakikita raw niya kung gaano karesponsable ito bilang family man.

Hindi rin niya makakalimutan ang ginawang pag-aasikaso nito at ng kanyang pamilya sa kanya nang magbakasyon sila ng nobyo sa clan nito sa Tipp City sa Ohio noong Pasko.

First time raw niyang magdiwang ng Pasko na malayo sa kanyang pamilya, pero hindi raw siya na-homesick.

Sobrang warm daw kasi ng pagtanggap sa kanya ng partido ni Sam na ang turing sa kanya ay miyembro na rin ng kanilang pamilya.

Feeling din niya, sobrang pampered siya kay Sam dahil may pa-birthday treat pa ito sa kanya na romantic getaway sa isang cabin na nirentahan nito noong nakaraang buwan.

Sey pa ni Cat, wish daw niya na sa susunod ay maipakilala naman ang boyfriend sa kanyang parents sa Australia.

“Hopefully naman I am able to go on a trip and and hopefully bring Sam to see my family, next time sana,” bulalas ni Cat.

Kylie nanggulo sa Viva

Marami ang naaliw sa panibagong video na ibinahagi ni Marco Gumabao sa kanyang Youtube channel kasama ang kanyang co-stars na sina Kylie Versoza at Xian Lim sa pelikulang ‘Parang Kayo, Pero Hindi.’

Sumalang kasi ang tatlo sa kakaibang challenge na “Don’t Drink The Wrong Drink” kung saan ang makakapili ng hindi masarap na inumin ay kailangang gawin ang ‘dare’ na ibibigay sa kanya.

Unang nagpakitang-gilas si Kylie matapos niyang mapili ang basong naglalaman ng toyo.

Natokang dare sa kanya ang guluhin ang mga taong nagtatrabaho sa office ng Viva.

Kumasa rin siya sa pagla-lap dance sa random staff ng kumpanya na hindi niya masyadong ka-close.

Kumanta rin siya ng paborito niyang kanta sa harap ng marami.

Naging dare naman kay Marco ang bulabugin si Boss Vic del Rosario sa kanyang opisina.

Kahit kinakabahan, pinuntahan niya ito para guluhin na noon ay nasa meeting.

Huling kumasa sa challenge si Xian.

Pina-arte siya ng isang eksena kasama ang guard na nag-ala action star gamit ang isang thermal scanner.

Lyca pumalag na ‘tibo’

Malaki ang naging transformation ng kauna-unahang The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod.

Dalaga na kasi ang dating Your Face Sounds

Familiar sensation.

Sa kanyang IG story, marami ang namangha sa kanyang aura .

Isang netizen ang mega ask sa kanya kung tomboy ba siya o miyembro ng LGBT community.

Hindi naman napikon ang biritera at deretsahang sinagot ang kanyang follower.

“False but I love LGBT,” ani Lyca.

Umani naman ng papuri sa mga netizen ang pagiging cool at totoo ng singer. Ganoon din ang internet sensation na si Macoy Dubs na sobrang naaliw sa kanya.

“Never ako nagkamali na maging idol ka at mahalin ka, QUEEN OF POP and SIS MANNERS, MS LYCA GAIRANOD. LGBTQ means Lyca Gairanod Beautiful Transformation Qanern!” sey ni Macoy.

Si Lyca ang tumalo kina Darren Espanto at JK Labajo sa first kiddie edition ng The Voice noong 2004.

Inspirasyon din ng karamihan ang kanyang rags to riches story.

Leave A Reply

Your email address will not be published.