Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona bongga ang paggiling ‘R.Y.F.’

0 96

Tuloy-tuloy na talaga ang singing career ni Catriona Gray. Pagkatapos nga niyang ilunsad ang kantang “R.Y.F”, inilabas naman niya ngayon ang nakakaindak, nakakagiling na nu-disco version nito.

Hatid pa rin ng Star Music at CS Music ang “R.Y.F Nu-Disco” kung saan bida ang dance music na nagbabalik ng tunog disco ng dekada ‘70. Ang bongga nga raw ng paggiling ni Cat dito.

Sa “R.Y.F” launch noong Hunyo, kinuwento ni Catriona ang halaga ng kanta at pagnanais niya na maghatid ng pag-asa sa mga listener, na huwag sumuko sa kani-kanilang mga pangarap.

“I hope that the song could really be a reflection that life isn’t easy, getting to a dream isn’t easy,” sabi ni Cat, kasunod ang chika na mahalaga ang ‘single step’ at unti-unting pagtupad ng mga pangarap.

Ibinahagi rin ni Miss Universe 2018 kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Pilipino para sa kanya at kung paano ito nagta-translate sa kanyang musika.

SM food to go Banner Ad

“I am a cultural ambassador but I’m also someone who really tries to uplift the lives of fellow Filipinos. And I feel like that’s the message of ‘R.Y.F,” sabi pa ni Cat.

Nagbalik-tanaw rin siya sa pagsisimula ng orihinal “Raise Your Flag” song mula sa mga memorable statements niya sa tanyag na beauty pageant na nagbigay inspirasyon kina Trisha Denise at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na isulat ang kanta.

“I know it started as an ode to my journey in Miss Universe. But I hope that through my interpretation of the song, it can evolve to how I see it. It’s about raising your voice for something,” sabi ng Kapamilya singer.

Pakinggan ang “R.Y.F NU-Disco” ni Catriona na available na sa iba’t ibang various music streaming services. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.