Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona dedemanda nagkalat ng nude photo

0 986

Sino kaya ang salarin sa kumakalat na umano’y nude photos ni Catriona Gray sa online? Binalahura nila ang Miss Universe kahit edited yan.

May official statement ang legal counsel ni Catriona na si Atty. Joji Alonso.

“It has come to our attention that an alleged topless photo of Miss Universe 2018 Catriona Gray has been spreading online and a certain tabloid will be releasing it.

“We want to inform the public that the photo is fake and digitally altered.

“We are actively coordinating with authorities to hold accountable whoever is behind this scheme and face penal sanctions accordingly. We will likewise take legal action against those involved in the manufacture and publication of said photo.

“We strongly denounce this vicious attempt to tarnish the good name of Ms. Gray.

“At a time when fake news is prevalent, we firmly urge the public to be discerning and critical of what they see and share on social media.”

Samantala, todo tanggol na rin ang ina at kaibigan ni Cat sa umano’y pangha-harass ng kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad.

Pinapalagay nilang sina Catriona at Sam Milby ang pinatatamaan ni Clint sa mga cryptic post nito.

Related Posts

Pumalag na rin ang friend ni Cat na si Sandra Lemonon sa Instagram.

“Whatever is happening to him it is clear to see that he is not in healthy state of mind & it’s sad to see a lot of people treating this as a show,” bahagi ng post ni Sandra.

Deklara naman ng ina ni Cat,“You continue to defame my daughter and you do so at your own peril.”

Sa paskil naman ng The Philippine Post ay sinaliksik ang love story nina Catriona at Clint. Diumano ay si Bondad ang naunang ‘nagloko’ dahil sa pagkaka-link sa ‘rich women’.

February 22, 2019 inamin naman ni Catriona sa

Tonight With Boy Abunda na hiwalay na sila ni Clint.

Last year ay may cryptic Instagram post din ang dating Kapuso actor na “tell your boy or man or boy toy that you want a break.” Sa mga panahong ‘yan ay na-link o natsismis si Cat kay De La Salle University basketball player Jordan Bartlett.

Umatake na naman ngayon si Clint nang umamin si Sam sa relasyon nila ni Catriona.

Sa mga paandar ngayon ni Bondad sinasabi ng mga netizen na kailangan niya ng mental help professional para muling pumanatag ang kanyang nararamdaman.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.