Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Catriona dinisplay gandang walang makeup

0 156

Palakpakan na may kasamang hiyawan ang dapat na naman nating ibigay sa Philippine’s 4th Ms. Universe Catriona Gray.

Bakit kaniyo? Kasi naman kamangha-mangha at tunay nakakabighani ang kanyang IG na wala siyang suot na make-up at may wapak pang mensahe para sa lahat.

Ang vote of approval sa kanyang larawang huling-huli ang busilak niyang karikatan at neneng-neneng kagandahan, 478,559K likes and counting pa habang tinitipa ang pitak na ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kasamang mensahe ni Bb. Gray: “Hiii 😊 just jumping on here with a bare faced selfie to remind you that even though in photoshoots, makeup and IG story filters, my skin looks “flawless”…in reality I have pores, oiliness, fine lines, breakouts, beauty spots and moles…and I’m perfectly fine with that 🥰. This is just a kind, little reminder to remember that what we see online is a “curated feed”, and that we shouldn’t compare that to our everyday reality.” Na ang pagtatapos ay ang #AsSheIs.

Wow! Sa true lang, marami talaga sa kasalukuyan ang beauty obsessed at laging ang mga nakikita sa fashion magazines, commercials at pelikula ang ginagawang pamantayan ng kagandahan.

At mas malupit talaga ang mga babae sa kanilang mga sarili pag dating sa “physical beauty.” Yung iba talaga maging “maganda” lang sa panlabas, handang maging “science project” masabi lang na gandang artistahin na siya.

Kaya, ang mensaheng ito ni Catriona Gray, pati rin ang kanyang bare faced photo, ay magsilbing inspirayson sa mga kababaihan at sa lahat na you are beautiful no matter what others say.

Leave A Reply

Your email address will not be published.